TEXTULA
Wangis mong kay ganda
Sa bawat pikit ng aking mga mata /
Mukha mo ang palagi kong nakikita /
Mga ngiti mo na nagbibigay sigla /
Sana ay masilayan, hanggang pagtanda //
Karamay sa buhay
Ngiti'y makikita mo sa kanyang mukha /
Problema ay hindi mo mahahalata /
Tuwing gabi ay umiiyak sa kama /
Yakap ang unan na laging karamay niya //
Huwag kang magpapatalo sa hamon ng buhay. Tumayo at lumaban!
ReplyDelete